Basahin muna…. eto. Para maintindihan ninyo ang concept ng post na ito
Now, I want to tell you I’m sorry for what our sister in our faith did to you. Maybe she was totally stupid or gusto nga lang niya ng special treatment. Pero may nakaka-alarm na nakalagay sa post mo, at medyo unpleasant siyang basahin, not only because there are some lines in your post na masyadong “degrading”.
i wanted to debate with her but knowing muslims, their culture and the way they love other muslims, i wouldn’t want to mess with them. like if you fight with their brother or sister, the whole muslim community gets at you. all for one and one for all ang away mo.
Right, I know there are some Islamic communities na hindi masyadong nagbebehave ng maayos. But what you’re saying is, jini-generalize mo na lahat ng Islamic communities dito sa Pilipinas eh katulad ng mga muslim sa area ninyo. No. Wala sa culture ng Muslim ang makipag-away without reason, at wala sa culture ng Muslim ang special treatment. We treat every people with equality and justice. Ang problema lang, we’re not in Islamic country. We’re in Christian (Catholic) country na ang tingin sa amin ay napakasama at masyadong barbaric. Kaya some of us Muslims counterattacked with Christians like you. And unfortunately, ganun din ang ginawa ng mga nauna sa kanila. (Well, ibahin mo ako, dahil kung barbaric at masama akong Muslim, hindi sana ako sumali sa SCA.)
Well, yung mga Muslim na nandiyan sa community ninyo, sad to say, ay yung mga Muslim na hindi naturuan ng maayos tungkol sa religion namin. I mean, sila yung mga nagiging worst sa amin. Ngunit hindi mo pa rin nakikita kung sino ang mga best Muslims, not only because kaunti na lang sila, kundi dahil ang tingin ninyo sa amin ay masamang nilalang ng Diyos. At ganun ang sinet sa utak ng mga non-Muslims dito, na MASAMA kami, na pumapatay kami ng walang dahilan, na lagi kaming pa-special treatment, na hindi namin kinikilala ang karapatan ng mga di-Muslim. Kayo, kinikilala niyo ba ang karapatan namin bilang tao?
Ang word na Muslim, for your information, ay hindi isang tribo sa Pilipinas. Ito ay katawagan sa mga taong totoong sumusunod, sumusuko, at tumatalima sa kautusan ng Dakilang Panginoong Lumikha (Allah, for us). Kaya kung sinumang Muslim ang gumagawa ng gulo diyan, their not Muslims, their just group of unlettered tribes in Philippines na inaakala nilang Muslim sila.
you people think you’re all different from us. secluding yourselves in your own little world thinking and assuming you’re all great and special and don’t want to meddle with indios who run the fucking country in where you live in. and you are angry because he is not a brother or a sister (referring to your religion guys).
Wala kaming iniisip na kami ang pinakadakilang tao sa Mundo or what. And we’re secluding in our “own little world”, dahil sa pinupwersa kaming gawin ito. Pasensya na, kung mas pinaprioritize namin ang aming sariling Muslim brother and sister. Alangan namang tulungan pa namin kayong apihin ang sarili naming kapatid na Muslim. Pasensya na kung marami sa mga Muslim ang inaakala nila napakagaling nila, na sila yung pinakadakilang tao dito sa Pilipinas. NGUNIT HUWAG MONG ILAHAT. Dahil marami pa rin sa amin ang sumusunod sa tunay na ipinag-uutos ng Allah.
Alam mo, gusto ko sanang pangatawanan ang sinabi sa kain ng isang orgmate natin, yung “Kahit magkaiba yung paniniwala natin, pwede pala tayong magkaroon ng isang peaceful na bansa”. Ngunit parang imposibleng mangyari yun, dahil marami pa rin sa inyo ang nag-iisip ng negative sa amin, at marami din sa amin, sad to say, ang nag-iisip ng masama sa inyo.
Marami pa sana akong gustong ilagay sa post na ito. Kaya lang time na ako… Pasensya na sa mga counterattacks (kung meron man) na ginawa ko. Medyo unpleasant lang talaga kasi yung post… Sorry talaga. You can unfollow me now if you want… Bye
Wait, naiintindihan kita. Dahil dati akong Christian, lagi ko ring kini-criticize ang mga Muslim dati. Masyadong mababa ang tingin ko sa kanila dati. Kaya lang, nagbago na ako. I will not defend those unlettered members of Muslim tribes dahil mas ide-defend ko pa ang mga Muslims na sumusunod sa Batas ng Allah.
-
marchthree liked this
-
crestfallenzero liked this
-
estong101 reblogged this from blizzard14
-
blizzard14 posted this